Sagot :
ANO-ANO ANG KARAPATANG PANTAO
Ang Karapatang pantao ay nahahati sa dalawang uri:
1. Karapatang pang indibidwal
Ang karapatang pang indibidwal ay nahahati sa :
- Karapatang sibil
- Karapatang politikal
- Karapatang panlipunan
- Karapatang pangkabuhayan
- Karapatang kultural
2. Karapatang pangkatan
Ang karapatang pangkatan ay nahahati sa:
- karapatan sa pagpapaunlad ng kabuhayan
- Karapatan sa lipunan
- Karapatang kultural
Sa Pilipinas ano ang batas na tumutulong upang maprotektahan ang mga karapatang pantao?
- Sa Pilipinas ang karapatang pantao ay nakapaloob sa Bill of Rights Artikulo III ng 1987 konstitusyon
Nakasaad sa konstitusyon na ang mga Pilipino ay may :
1. Karapatang mamuhay
- Ang mga Pilipino ay may karapatan na hindi alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian nang hindi naaayon sa pag-uutos ng batas. Hindi din dapat siya pagkaitan ng pangangalaga ng batas.
2. Karapatan na magkaroon ng kapanatagan sa sarili, pamamahay, papeles at mga bagay-bagay
- Sinisigurad ng saligang batas na hindi basta-basta paparusahan ang mga Pilipino. Hindi din dapat hulihin ang mga Pilipino hanggat walang warrant of arrest o walang malinaw na dahilan ng pagkaka huli. Hindi din dapat samsamin o halughugin ang kanyang mga ari-arian ng walang pagpapasya ng hukom.
3. Karapatan sa komunikasyon
- Hindi din dapat hadlangan ang pakikipag-komunikasyon ng isang tao maliban na lamang kung ikakapahamak ito ng sangkatauhan o ipinag-uutos ito ng hukuman.
4. Karapatang pagka pantay-pantay sa harap ng batas
- Hindi dapat tanggapin para sa anumang layunin ang mga ebidensiya nang hindi naaayon sa sinusundang seksiyon.
- Hindi din dapat pilitin ang tao na sumaksi sa kanyang sarili.
- Hindi dapat makulong kung ang tao ay may sariling paniniwala at hangaring pampulitika.
- Hindi dapat labis-labis ang pagmumulta. Ang kamatayan ay dapat isakdal lamang sa kasuklam-suklam na krimen.
5. Karapatan sa kalayaan sa pagsasalita
- Hindi dapat pagbawalan ang isang indbidwal o grupo man na magsalita o magpahayag ng kanilang saloobin tulad ng pagtitipon at magpetisyon sa pamahalaan upang mailahad ang kanilang mga hinaing.
6. Karapatan sa pagpili ng relihiyon
- Ang lahat ay may karapatang pumili at magtatag ng relihiyon ang lahat ay may karapatang magpahayag at magsamba.
7. Karapatan nga pumili ng matitirahan
- Ang bawat Pilipino ay hindi dapat pagbawalan sa pagpili ng matitirahan at magbago ng tirahan.
8. Karapatang panlipunan
- Karapatan ng Pilipino na sumali o makilahok sa mga organisasyon o samahan kung ito ay makabubuti ng kanilang kapakanan.
Ano ang bill of rights basahin sa :
brainly.ph/question/1270876
Kahalagahan ng bill of rights:
brainly.ph/question/2526920
Nilalaman ng bill of rights:
brainly.ph/question/2142563