Sa wikang Ingles, ito ay ang “Integrity”.
Ito ay ang kagalingan sa moral, pagiging ganap, kawalang-kapintasan at kawalang-pagkukulang ng isa.
Ang mga terminong Hebreo na nauugnay sa katapatan (tom, tum·mahʹ, tam, ta·mimʹ) ay may salitang-ugat na nangangahulugang “buo.” Ang ta·mimʹ ay ginamit nang ilang ulit upang tumukoy sa pagiging ganap sa pisikal, o pagiging malusog, at kawalan ng pinsala, halimbawa, may kinalaman sa mga haing hayop sa panahon ng Bibliya. Subalit mas malimit, ang mga terminong ito ay naglalarawan ng kagalingan o kawalang-kapintasan sa moral.