Paano  pahalagahan ang sariling wika


Sagot :

Pagpahalaga sa Wika:


1. Ito ay dapat ginagamit at lalong pinagyayaman.

Halimbawa: May aprisasyon sa pakikinig, panonood o pagbabasa na gamit ang wika.

2. Pinag-aaralan pa ring mabuti kahit unang wika o laging ginagamit.  Lalo na ang mga teknikal na bahagi kahit simple lang ito. 

Halimbawa: Alam ang kaibahan ng "ng" at "nang". Kailang ginagamit ang "rito" at "dito".

3. Hindi ikinahihiyang gamitin

Halimbawa: Hindi sukatan ang banyagang salita para maituring na edukado. Ang tamang pag-unawa at paggamit ng wika ay isa na ring ebidensya ng pagiging edukado.

4. Ginagamit nang wasto

Halimbawa: Ang mga balbal na salita ay ginagamit lamang kung alam na ang mga batas at ang pormal na paggamit ng wika.