Ano ano ang mga katangian ng mga minon at mycenaean

Sagot :

SIBILISASYONG MINOAN

-Ang sibilisasyong ito ang may pinakamataas na antas ng kaunlaran at kultura sa Europa. 
-Mayroon silang sistema ng pagsulat, kasanayan sa pagahahabi, paggawa ng mga palayok, alahas at armas. 
-Nakikipagkalakakalan din sila sa mga kalapit bansa tulad ng Ehipto. 
-Kilala ang mga tao dito bilang mga manlalakbay. 
-Pangunahaing hanapbuhay din nila ang paggawa ng mga sasakyang pandagat. 
-Nawala ang sibilisasyon dahil sa iba't - ibang sakuna, mananakop, at mga digmaan. 

SIBILISASYONG MYCENAEAN
-Ito ang pinakaunang sibilisasyon sa pangunahing lupain ng Gresya. 
-Kilala sila bilang mga Indo - European. 
-Kabilang sa sibilisasyong ito ay ang mga makakapangyarihang lungsod ng Corinth, Mycenae at Pylos. 
-Kabilang din dito ang Haring si Agamemnon. 
-Ito ang may pinakamakapangyarihan sa kabuuang Peloponnesus. 
-Kilala sila sa paggawa ng iba't - ibang alahas at palamuti. 
-Ang kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag na Linear B. 
-Kilalang mga mananakop at malakas ang impluwensya sa mga karatig bansa. 
-Ang pagtalo sa Troy ay may kaugnayan sa mga lungsod - estado ng Mycenean upang protektahan ang kanilang ruta sa pakikipagkalakalan sa Dagat Itim. 
-Ang kanilang pagbagasak ay tulad din ng pagbagasak ng Sibilisasyong Minoan.4