ano ang epekto ng pagbabago ng panahon o climate change

Sagot :

Ang climate chnage ay nangangahuligang pagbabago-bago ng clima ng panahon sa buong mundo. Dahil dito ay may nagging mga epekto sa mga tao pati na rin sa kapaligiran. Ang mabilis na pagbago ng panahon at klima ay maaaring magsapanganib sa kalusugan ng tao. Ang biglang pag-init o pag-lamig nito ay nagiging dahilan para ang katawan ng tao ay mahirapang mag-adjust. Kaya ang iba ay biglaang nagkakatrangkaso, nagkakalagnat, nakakaranas ng sakit ng ulo, at iba pa. Ganoon din sa kapaligiran, sa mga puno kung saan kapag dumanas ng masidhing init ay maaaring magkaroon ng tagtuyot lalo na sa mga ilog at sapa. At kapag naman biglaan ang pagbuhos ng ulan ay magsisimulang makagawa ng pagbaha at maaapektuhan nito ang mga tao at bahayan lalo na sa mga mabababang lupain at magsimula ng sakit dahil sa nakatambak ng mga tubig.