Sagot :
Answer:
Mga patunay na karapat-dapat ang dalagang Pilipina sa isang tunay na pagtatangi
- Ang isang dalagang Pilipina ay may mga katangiang maaring maiambag sa kaunlaran ng lipunan, hindi man parehas ang kakayahan nila sa mga kalalakihan ngunit maipagmamalaki pa ring kabahagi sila sa pag-angat ng lipunan.
- May mga dalagang Pilipina naiaambag ang kanilang mga kaalaman at kakayahan, may mga dalagang guro, nurse, doktor, inhinyero ar marami pang ibang propesyon na nakatutulong sa lipunan.
- May mga dalagang Pilipina tayong mga nagsisilbing lider at namumuno sa lipunan, kaya rin nilang pamunuan at mapaunlad ang lipunang kanilang kinabibilangan.
- Nakikibahagi rin ang mga dalagang Pilipina sa mga programa at proyekto tungo sa pag-unlad ng lipunan.
- Nakakatulong sa lipunan ang mgs dalagang Pilipina sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at patakaran ng pamahalaan.
- Kung titingnan ang porsyento ng mga nangingibang bansa, makikitang malaki ang porsyento ng mga kababaihan at mga dalagang Pilipina na nagtatrabaho sa ibang bansa at isa paraan ng pagtulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Malaki ang naiaambag ng mga dalagang Pilipina sa lipunan kaya karapat-dapat lamang sila sa isang tunay na pagtatangi.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Gampanin ng mga lalaki at babae noong panahon ng pre-kolonyal: brainly.ph/question/1077147
#BetterWithBrainly