Ang salitang alituntunin ay galing sa salitang ugat na tunton. Ang alituntunin ay gabay sa mga dapat at hindi dapat gawin para sa ikabubuti ng lahat. Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay guidelines.
Narito ang ilang halimabawa ng alituntunin:
1.Panatilihin ang kalinisan ng paligid. Magtapon sa tamang lugar.
2.Panatilihin ang katahimikan sa loob ng silid-aklatan.
3.Bawal tumawid dito.