ano ang batas ng demand?



Sagot :

Answer:

Ang batas ng Demand?

Ang batas ng demand ay bahagi ng micro economics na nagasasabi na ang pagtaas ng presyo ng produkto ay dahilan upang bumaba ang demand dito, at ang pagbaba ng presyo nito ay magdudulot sa pagtaas ng demand para sa produkto.

Explanation:

Bagama’t hindi ito konkretong batas dahil sa ibang mga salik gaya ng relasyon ng “price” at “Quantity demanded” na makikita sa “Demand schedule”. Sa pamamagitan nito ay makakabuo ng isang chart kung saan makikita ang pagbaba o pagtaas ng demand base pagbabago ng presyo.  

Ilang mga produkto na mahalaga sa mga Pilipino na apektado ng Batas ng Demand:

  1. Bigas  
  2. Matrikula sa Paaralan
  3. Karne, isda, manok at gulay
  4. Kuryente
  5. Gasolina

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga bagay na malaki ang epekto sa budyet ng mga kababayan natin, kaya’t ang pagtaas ng presyo ng mga ito ay nangangahulugan ng pagbawas ng konsumo nito.

Narito ang kadalasan na mangyayari kung tataas ang presyo ng mga nabanggit:

  • Kapag tumaas ang presyo ng bigas ay maaaring lumipat sa pagkain ng tinapay ang marami upang makatipid habang hinihintay ang panunumbalik ng mababang presyo ng bigas.

  • Ang mga magulang na mahihirapang magpaaral sa prebadong paaralan ay pipiliin na lamang na ilipat ang kanilang mga anak sa mura o pampublikong paaralan.

  • Ang mga namamalenke ay bibili na lamang ng murang sangkap upang makapagluto, kaya’t kung alin ang mura iyon na lamang ang iluluto pansamantala.

  • Iiwas naman sa paggamit ng ibang electrical appliances ang sino mang aabutin ng pagtaas ng bayad sa kuryente.

  • Matututong magpalano ng biyahe ang sino mang may sasakyan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa epekto ng batas ng demand.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

The factors that influences supply and demand   https://brainly.ph/question/551348

How important is economics?    https://brainly.ph/question/159728

Consumerism, what is it?   https://brainly.ph/question/1441990