ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong?


Sagot :

Ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong?

Denotasyon: Umaalulong ang mga aso tuwing eclipse.

Konotasyon: Umaalulong ang mga balita at lalo lang nagagalit ang masa.

Ang ibig sabihin ng umaalulong ay pag-ungol at kadalasan itong tinutukoy sa paglikha ng mga aso ng ingay. Maaaring ring umaalulong ang isang bagay gaya ng pagpapatunog ng malaking barko. O kaya naman umaalulong ang tao dahil umiiyak siya o may panaghoy na may malagong tunog. Sa konotatibong kahulugan naman ay hindi ito isang magandang tunog at posibleng may magiging masamang resulta ang isang bagay na umaalulong.

Ang denotasyon ay ang literal na kahulugan o ibig sabihin ng isang salita at kadalasan itong matatagpuan sa diksyunaryo. Kabaligtaran ito ng konotasyon. Ang konotatibong mga ekspresyon ay tumutukoy sa mga ekstrang pakahulugan ng mga salita o mga ikinakabit sa mga salita depende sa intensyon ng nagsasalita o sumusulat. Metapora ito o piguratibo lamang  at maaring mag-iba ang mga kahulugan ayon sa mga saloobin, mga karanasan at ng sitwasyon ng isang tao.

Kung hinahahanap ang ano ang denotasyon at konotasyon ng damo / damo ano ang denotasyon at konotasyon / ano ang denotasyon at konotasyon ng salitang damo at ano ang denotasyon at konotasyon ng paglalakbay, tingnan link na ito:

 Ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong,damo,alipato,kabibe,ligaya at pag lalakbay - https://brainly.ph/question/213217

Para naman sa iba pang kasagutan, tingnan ang link na ito:

 Ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong ? - https://brainly.ph/question/211050