paano ang wastong pagliligpit ng mga pinagkainan



Sagot :

Pagliligpit Ng Pinagkainan

Ang pagliligpit ng pinagkainan ay araw-araw na gawain natin sapagkat araw-araw din tayo kumakain. Araw-araw natin ito ginagawa ngunit hindi natin napapansin na mayroon itong wastong pamamaraan upang mas sistematiko at mabilis  ang pagliligpit ng pinagkainan.

Wastong Pagliligpit Ng Pinagkainan

Narito ang wastong pamamaraan ng pagliligpit ng pinagkainan. Ang wastong pamamaraan na ito ay nakakaligtaan ng halos ng mga tao.

Sa Paglilinis ng Mesa

  1. Linisin ang tira-tirang pagkain sa bawat pinggan.
  2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay ito sa tray.
  3. Dalhin ito sa kusina upang mahugasan.
  4. Itago ang mga natira o hindi naubos na pagkain at linisin ang mesa.

Sa Paghuhugas

  1. Maaaring simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod: a. baso o glassware c. plato o chinaware b. kubyertos o silverware d. sandok at siyansi e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
  2. Gamit ang maliit na palanggana na may sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge ay sabunin ito. Tiyaking malinis ang mga ito bago gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.
  3. Banlawang mabuti. Upang maalis ang dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy, kuskusin ang mga binabanlawan. Gumamit ng mainit na tubig sa pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos kapag ang ulam ay masebo o mamantika gaya ng adobo.
  4. Sunod ay ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
  5. Gamit ang malinis na pamunas ay patuyuin ang mga ito.
  6. Hindi pinupunasan ang mga baso upang hindi lumabo.

Buksan ang mga sumusunod na links para sa karagdagang impormasyon:

Kahulugan ng kubyertos

https://brainly.ph/question/299084

Kahulugan ng pinggan

https://brainly.ph/question/540098

Bansa na pinagmulan kung bakit babae ang naghuhugas ng pinggan

https://brainly.ph/question/1650856

#LetsStudy