Ang fliptop at balagtasan ay magkaiba. Ang pagkakaiba ng fliptop at balagtasan ay narito:
- Fliptop - Ang fliptop ay isang makabagong aktibidad lamang. Ito rin ay tinatawag na "Fliptop Battle League" na ang pinakauna at pinakamalaking labanan ng rap sa Pilipinas.
- Balagtasan - Ang balagtasan naman ay isang masining na pagtatalo kung saan ang mga panig ay nangangatwiran nang patula.
Fliptop
- Ang fliptop ay unang nakilala bilang "Fliptop Battle League".
- Ito ay naglalayong maitaguyod ang Pinoy hiphop.
- Ito ay isang makabagong aktibidad kung saan ang mga panig ay naglalaban ng mga ideya sa pamamagitan ng rap.
Balagtasan
- Ang balagtasan naman ay isang masining na pagtatalo ukol sa isang paksa, kung saan ang mga panig ay nangangatwiran nang patula.
- Ito ay nagmula sa pangalan ni Francisco Balagtas na kilala rin bilang Francisco Baltazar.
- Ang layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng ideya at aliw sa ibang tao.
- Anu-ano ang elemento ng balagtasan? https://brainly.ph/question/213041
- Anu-ano ang mga bahagi ng balagtasan? https://brainly.ph/question/855939
- Ano ang kasaysayan ng balagtasan? https://brainly.ph/question/420009
Iyan ang pagkakaiba ng fliptop at balagtasan.