-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
-Kahulugan:
Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang
mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging
payak sa pamumuhay.
-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
-Kahulugan:
Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na
pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
-Kahulugan:
Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga
bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.
-Kahulugan:
Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong
mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase
ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak
keysa sa pagkukulang ng ibang tao.