Sagot :
Answer:
Paniniwala
Ang paniniwala ay ang mga bagay na ating pinaniniwalaan. Maaaring ito ay ang paniniwala natin sa pagkakaroon ng mas makapangyarihang nilalang kaysa sa atin o ang tinatawag na espiritwal na paniniwala o pananampalataya. Pwede ring ang paniniwala na mayroon tayo ay paniniwala sa mga nakaugaliang gawi o tradisyon. Madalas, ang ating mga paniniwala na mayroon tayo bilang tao ay nag uugat sa mga bagay na ating nakikita, nararamdaman, naririnig, karanasan, at maging sa ating mga obserbasyon sa kapwa tao o sa kapaligiran
Para sa iba pang kahulugan ng paniniwala
https://brainly.ph/question/2124668
Espiritwal na Paniniwala
Ang espiritwal na paniniwala ay mahalaga para sa tao. Ito ang nagbibigay sa atin ng direksyon patungo sa tamang landas na ating dapat tahakin o upang malaman ang ating misyon sa buhay. Ang mga tradisyon ay mahalaga sapagkat nakatutulong ito upang magkaroon ng pag uunawan ang isang pamayanan. Sa tradisyon ay napagbubuklod buklod ang mga tao sa isang lipunan.
Ang mga Pilipino noong unang panahon ay mayroong Animismo o Paganismo na uri ng pananampalataya. Ang Animismo ay tumutukoy sa paniniwala sa kapangyarihan ng kapaligiran. Ang Paganismo naman ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maraming diyos. Ang ilan sa mga sumusunod ay ang mga bagay na sinasamba, dinadasalan, o inaalayan sa animismo.
- Ulap
- Kabundukan
- Puno
- Halaman
- Ulan
- Bato
- Hayop
Mayroon ding mga diwata o anito ang mga sinaunang Pilipino. Ang ilan sa kanila ay ang sumusunod:
- Bathala - Kinikilalang pinakamakapangyarihan sa lahat. Siya ang gumawa sa lahat ng bagay at nilalang sa mundo
- Sidapa - Si Sidapa ay ang diwata o anito ng kamatayan
- Mandarangan - Si Mandarangan ang diwata o anito ng digmaan
Hindi nagtagal, ang mga Pilipino ay nagkaroon ng isang organisado at masistemang pananampalataya na tinatawag na Islam, Ang Islam ay ang paniniwala sa iisang Diyos na nag ngangalang Allah. Ayon sa mga nag aral ng ating kasaysayan, ang ating paniniwalang Islam ay bunga nga ating pakikipagkalakalan sa mga bansa sa timog silangang Asya tulad ng Indonesia, Malaysia, at iba pa. Sa makatuwid, bago pa dumating ang mga kolonisador sa bansa tulad ng mga Espanyol ay mayroon na tayong paniniwalang Islam, Animismo, at Paganismo
Sa pagdating nga mga Espanyol noong 1565, ipinakilala nila ang relihiyon ng Kristiyanismo. Ang mga Espanyol ay naglayag mula sa Espanyol patungo sa ibang bahagi ng mundo sa tatlong kadahilanan: God, gold, glory. Maraming Pilipino ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo kung kaya't hanggang sa kasalukuyan ay mataas ang bilang ng mga Pilipinong Kristiyano
Paniniwala bilang isang tao
Ang tao ay may likas na karapatan na magkaroon ng kalayaan sa pagpili ng kanyang paniniwalaan. May ibang tao na hindi naniniwala sa mga espiritwal na bagay at sa halip ay naniniwala sila sa kilos ng tao. Ang ganitong uri ng paniniwala ay tinatawag na Ateismo o Atheism
Para sa ibang karapatan bilang tao
https://brainly.ph/question/1792727
Halimbawa ng mga Paniniwala bilang Pilipino
- Ang mga Pilipino noong unang panahon, maging hanggang sa kasalukuyan, ay naniwala sa mga sumusunod na tradisyon o paniniwala sa nakaugaliang kilos
- Paniniwala na hindi dapat sabay o magkasunod na ikasal ang magkapatid. Ito ay magdadala ng hindi maganda para sa kanila. Ito ay tinatawag na sukob
- Paniniwala na ang pusang itim ay nagdadala ng kamalasan
Para sa iba pang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino
https://brainly.ph/question/439442