anu ano ang mga uri ng modal?



Sagot :

Answer:

Anu-ano ang mga uri ng modal?

Ang modal ay kilala din sa tawag na malapandiwa. Ito ay ginagamit bilang pantulong sa pandiwang nasa anyong panatas. Ito ay mga pandiwang hindi nagbabago, at limitado kapag binanghay.

Ang modal ay may apat na uri:

1. Nagsasaad ng pag nanasa, paghahangad o pagkagusto

Halimbawa:

  • Gusto kong pumunta sa handaan mamayang gabi.

  • Ibig kong makita ang ganda ng sinag ng araw sa umaga.

2. Sapilitang pagpapatupad

Halimbawa:

  • Dapat nating sundin ang ating mga magulang.

3. Hinihinging mangyari

Halimbawa:

  • Kailangan mong mag-aral para sa pagsusulit mo bukas.

4. Nagsasaad ng posibilidad

Halimbawa:

  • Maaari mo ba akong samahan sa simbahan bukas?

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa modal, bisitahin ang link:

https://brainly.ph/question/53740

#BetterWithBrainly