ANO ANG PAMAHALAANG BARANGAY????


Sagot :

Answer:

Ang barangay ay ang pinakapundasyon ng ating bansa.  Dito pinapanday ang mga plano, programa at proyektong  pang komunidad.  Ang Punong Barangay ang pinakapuno sa isang barangay. Mas kilala sya sa tawag na Kap o Kapitan.

Explanation:

  • Isinabi na ang barangay bilang isang yunit ng pamahalaang lokal ay nakakuha ng inspirasyon sa mga balangay (isang uri ng bangka) na ginamit ng mga ninunong Pilipino sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Sa panahon ng mga ninuno o bago ng kolonisasyon, isang barangay ay binuo ng mga taong galing sa iba't-ibang bahagi ng Timog-silangang Asya na dumating sa pook na iyon sa pamamagitan ng bangka. Ang mga namumuno sa mga barangay noon ay ang datu.
  • Ang barangay ay binubuo ng isang Punong Barangay at pitong kagawad. Dahil isang kasaping ex officio ng Kapulungang Pambarangay (Barangay Council) ang lokal na pangulo ng Sangguniang Kabataan, may walong kagawad ang isang barangay.
  • Sa ilalim ng Kapulungang Pambarangay, may walong lupon kung saan namumuno ang isang kagawad. Ang mga lupon ay ang sumusunod:
  1. Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order Committee)
  2. Lupon sa Imprastraktura (Infrastructure Committee)
  3. Lupon sa Edukasyon (Education Committee)
  4. Lupon sa Kalusugan (Health Committee)
  5. Lupon sa Pagsasaka (Agriculture Committee)
  6. Lupon sa Turismo (Tourism Committee)
  7. Lupon sa Pananalapi (Finance Committee)
  8. Lupon sa Kabataan at Palakasan (Youth and Sports Committee)
  • Sa panahon ng mga Espanyol o Kastila, ang mga iba't-ibang barangay ay pinagsamahan upang makabuo ng mga bayan at lungsod. Ang mga datu ay naging cabeza de barangay at sila ay naging bahagi ng principalía. Ayon sa utos ni Haring Felipe II, ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga datu bilang cabeza de barangay ay dapat protektahan. Ang pangunahing responsabilidad ng mga cabeza de barangay ay kumulekta ng mga buwis mula sa residente ng kanilang mga barangay.
  • Pagdating ng mga Amerikano, inihalal na ang mga cabeza de barangay at nawala ang kanilang mga pribilehiyo sa ilalim ng mga Kastila. Sa panahong ito itinatawag na rin ang mga barangay bilang barrio. Ang pangalang barrio ay ibinalik sa barangay sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1978, at ito na ang ginagamit na salita.
  • Ikinodigo ang mga barangay at ang kayarian nito sa ilalim ng Kodigo sa Lokal na Pamahalaan ng 1991 (Local Government Code of 1991).

para sa karagdagang impormasyon, suriin ang mga link na ito:

https://brainly.ph/question/1466494

https://brainly.ph/question/9285

#LetsStudy