ANO ANG MAY BANSA NA ANG SISTEMANG PANG EKONOMIYA  AY MARKET ECONOMY, COMMAND ECONOMY, AT MIXED ECONOMY?

Sagot :

MGA SISTEMANG PANGEKONOMIYA AT MGA BANSANG TAGLAY ITO

Ang sistemang pangekonomiya ay tumutukoy sa mga pamamaraan para maging maayos o organisado ang takbo ng ekonomiya, produksyon o serbisyo ng lipunan. Ginagamit ito sa iba't ibang bansa o lugar sa buong mundo .Ang sistemang pangekonomiya ay may iba't ibang mga uri. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Command Economy
  • Mixed Economy
  • Traditional Economy
  • Market Economy

Command Economy

Ang command economy ay tumutukoy sa isang sentral na kapangyarihan na kung saan ang pamahalaan ang nangangasiwa sa pang-ekonomiyang mga desisyon, at ang pamahalaan din ang nagpapatupad ng bawat plano sa pamamagitan ng batas, kautusan at regulasyon.  Narito ang mga ilan sa mga bansang taglay ang command economy:  

  1. Iran  
  2. Cuba  
  3. China  
  4. North Korea

Mixed Economy

Ang mixed economy ay ang pinaghalong market economy at command economy na kung saan ang pamilihan ay may kalayaan sa pagkilos may kinalaman sa proseso o takbo ng produksyon ngunit may mga batas pa rin na ipinapatupad ang pamahalaan. Narito ang mga bansang may sistemang mixed economy:

  1. United States
  2. Canada
  3. Australia
  4. Japan
  5. Germany
  6. United Kingdom
  7. Italy, at iba pa

Traditional Economy

Ang traditional economomy ay ginagamit na kung saan ang takbo ng kalakal o produksyon ay base sa kinaugalian o tradisyon ng isang bansa. Ang ilan sa mga bansang taglay ang tradisyunal na ekonomiya ay ang mga sumusunod:  

  1. Pakistan  
  2. Sri Lanka  
  3. Bangladesh  
  4. Nepal
  5. Vietnam  
  6. Indonesia  
  7. Mynamar
  8. Muaritious  
  9. Ang maralitang bahagi ng Africa  
  10. Mga bahagi sa  Asia  
  11. Latin America  
  12. Middle East  

Market Economy

Ang market economy ay isang sistemang pangekonomiya na kung saan ang takbo ng kalakal at produksyon ay base sa supply, demand at presyo. Ang mga bansang may market economy ay ang sumusunod:  

  1. Estados Unidos  
  2. Canada  
  3. Denmark  
  4. United Kingdom  
  5. Hong Kong  
  6. Mauritius  

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang sumusunod:

  • Mga Bansang taglay ang sistemang pangekonomiya: https://brainly.ph/question/170679
  • Ano ang traditional economy?:https://brainly.ph/question/177898
  • Bakit tinawag na command economy ang command economy: https://brainly.ph/question/830898