Ang Veda ang tawag sa sagradong aklat ng mga Aryan. Ang aklat na ito ay tinipong akda ng mga himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
Ang Apat na Aklat na Veda
- Rig-Veda - ito ang aklat ng papuri
- Sama-veda- ito ang aklat ng Melodiya
- Atharva Veda- ito ang aklat na tungkol sa mga tradisyon at kultura ng mga Aryan.
- Yajur Veda-ito ang aklat ng ritwal.
Kilalanin natin ang mga Aryan
- Pinaniniwalaan na ang mga Aryan ay nagmula sa mga steppe ng Asya sa kanluran ng Hindu Kush at sinasabing nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng makikipot na daan sa kabundukan.
- Ang salitang Aryan ay nangangahulugan ng MARANGAL o PURO sa wikang Sanskrit. At ang wikang ito ay dinala ng mga aryan sa India.
- Ang kaalaman ukol sa pamamalagi ng mga Aryan sa India ay hango sa apat na sagradong aklat ng Veda.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Ano ang mga Aryans sa Araling Panlipunan? https://brainly.ph/question/414880
Ilarawan Ang Panitikan ng mga Indo-Aryan https://brainly.ph/question/799232
Ano ang pamahalaan ng mga indo aryan https://brainly.ph/question/1869076