Sagot :
Ang 10 halimbawa ng Lansakan
- kaban
- kahon
- tiklis
- dosena
- batalyon
- lahi
- kumpol
- tribo
- tropa
- buwig
Mga halimbawa nito sa pangungusap
- Ang ilan sa mga nanunungkulan sa pamahalaan ay nilulustay ang kaban ng bayan, sa kanilang pansariling pangangailangan.
- Isang kahon ng mga ibat-biang tsokolate ang pinadala sa akin ng aking ina mula sa bansang Japan.
- Sampong tiklis ng mangga ang naani nila sa kanilang manggahan.
- Libo-libong dosena ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam ng kapulisan.
- Nagpadala ng isang batalyon ng mga sundalo ang pangulo upang tumulong sa kaguluhan sa Marawi.
- Ang sabi ni ana lahi daw talaga nila ang matatalino at magaganda.
- Binato ni Jayson ang kumpol ng bunga ng sampalok kaya ito nalaglag sa lupa.
- Ang tribo ng mga Ifugao ang kasunod na bibigyan ng pabahay ng pamahalaan.
- Ang tropa nina Alex ang dahilan kung bakit natapos agad namin ang pagpapalamuti para sa darating na kapistahan.
- Isang buwig ng saging na saba ang pasan pasan ni itay ng umuwi siya galing bukid.
Ang lansakan ay uri ng pangalan ayon sa tungkulin ito ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Uri ng Pangalan ayon sa tungkulin
- Lansakan
- Tahas o Kongkreto
- Basal o di kongkreto
Buksan para sa karagdagang kaalaman
iba pang halimbawa ng lansakan https://brainly.ph/question/309324
pangalang pantangi at lansakan https://brainly.ph/question/168982
iba pang halimbawa ng lansakan https://brainly.ph/question/235160