Edukasyon susi ng pag unlad

Sagot :

Masasabi nga na edukasyon ang susi sa pag-unlad. Sa anong paraan? 
Ang edukasyon ay isang karapatan na mayroon ang bawat mamamayan. Ang edukasyon ang nagbibigay sa atin ng mga propesyonal katulad ng mga manggagawa, doktor, guro o di kaya'y mga engineers at marami pang iba. Kung tutuusin ay ang mga edukadong tao na mayroong trabaho ang nagbabayad ng buwis. Kaya't masasabi nga naman na ang ekonomiya ay umiikot at maaring tumaas nang dahil sa mga edukadong tao. Edukasyon ang susi sa pag-unlad ng isang bansa. Kaya't ang edukasyon ay talagang pinopondohan ng gobyerno.