Sagot :
Dahil sa isyu ng global warming o climate change, tayo ay hindi dapat magpatumpik-tumpik at basta na lamang magmasid at hintayin na lamang na maging biktima ng problemang ito. Kailangan na masolusyunan ng angkop at agarang aksyon. Kailangan ang malalim na pagsusuri at sapat na kaalaman sa pagharap sa isyu.
Sa mga paaralan, kailangan na maisali sa kanilang mga curriculum ang isyung global warming o climate change para mamulat ang mga estudyante sa epekto nito at magkusa na tulungan hindi lamang ang sarili pati na ang kalikasan. Isa rin programa na pwedeng gawin sa mga paaralan at maging sa mga barangay ay ang pagpa-praktis ng 3R's (Reduce, Reuse at Recycle) sa kanilang mga basura. Sa mga industriya, kailangan na magkaroon sila ng mga sistema at equipment na epektibong pumipigil sa bagbuga at paglabas ng mga nakakapinsalang mga usok at kemikal na humahalo sa hangin at tubig. Isa rin sa maitutulong natin ay ang pagtatanim ng mga puno, hindi maiiwasang magputol ng puno para tugunan ang pangangailangan ng mga tao pero ang dapat naman sanang gawin ng mga gumagawa nito ay palitan nila ang puno na pinuputol nila sa pamamagitan ng pagtatanim ng bago. Protektahan at mahalin natin ang ating kalikasan para sa ating mga anak at susunod pang henerasyon.

nararapat lamang na sunugi na ang mga basura na maaring sunugin at ang mga plastick ay ilagay sa ilalim ng lupa. iwasan ang pagtatapon ng basura sa kapaligiran upang mabasan ang global warming. Madami kasing pasaway na tao ang patuloy pa ding nagkakalat sa ating paligid