ano ang kambal katinig?

Sagot :

Ang kambal katinig ay katulad sa klaster na binubuo ng dalawa o higit pang magkakatabing konsonant sa loob ng isang salita. Ang kambal-katinig sa Tagalog ay mula sa mga salitang kambal o dalawa at katinig o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito. Walang higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog  hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay resulta ng paghihiram ng salita sa mga salitang dayuhan.