imperyong itinatag ni nabopolassar



Sagot :

Ang sagot ay "Chaldea"

Kasali o kabilang ang "Chaldean: Ang bagong Babylonian(612 - 539 BCE)" sa kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya.

  • Matatagpuan natin ang Chaldea sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangang pampang ng Euphrates River.
  • Itinatag ang panibagong imperyo ng Babylonia noong 612 BCE at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldea na si Nabopolassar (612-605 B.CE). Siya ang namumuno sa isang pag-aalsa noong 625 B.C.E. laban sa imperyo ng Assyria na siyang namamahala sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.

Namatay si Ashurbanipal noong 626 B.C.E,. Dalawampung taon matapos ng pagkamatay nya ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak. Noong 614 B.C.E., isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang lumusob sa lupain ng Assyria at winasak ito ang lungsod ng Ashur. Ang Imperyo ng Medes ay nasa bahaging parte ng silangan ng Assyria.

Noong 612 B.C.E., nagawang nasakop ng magtulungan na puwersa nina Cyaxares at Nabopolassar ang lungsod ng Nineveh. Naiwan ang lupain sa mga kamay ni Nabopolassar. Tuluyang nagupo ang mga natitirang hukbo ng Assyria sa panahong 609 B.C.E. Si Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), ay anak ni Nabopolassar. Si Nabopolassar ay nakipagpabanan rin sa Egypt mula 610 B.C.E. hanggang 605 B.C.E. Sa pagbabalik ng mga Medessa sa silangan upang patibayan ang kanilang kontrol, tuluyang nakamkam ng mga hari ng Babylon ang Imperyong Assyrian.

Nakamit ng Babylonia ang tuktok ng kadakilaan sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig noong panahon yun. Bukod pa dito, ang Hanging Gardens of Babylon na ipinagawa niya para sa kanyang minamahal na asawa ay kinilala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.

Ang animnapung taong paghahari ng Babylonia ay muling napanganib sa panahon ni Nabonidus (555-539 B.C.E.) nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, na ang mga Persian. Ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia noong 539 B.C.E. Nakabatay sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na dito ang buong imperyo. Dahil dito, natigil ang halos tatlong milenyong pag pupunyagi ng mga mamamayan ng Mesopotamia sa kanilang sariling lupain. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging parte ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot ito mula Egypt hanggang sa India. Sa sumunod na dalawang siglo, natunghayan ng rehiyon ang paglaki ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyong Persia sa mga kamay ni Alexander the Great na hari sa Macedonia.

Ang larawan na nakikita nyo ay isang imahe ng Hanging Garden of Babylon.

#CarryOnLearning

View image Аноним