anung kaibahan sa pantay at patas?

Sagot :

ANO ANG PAGKAKAIBA NG PANTAY AT PATAS?

Maraming mga tao ang nalililito sa kahulugan pantay at patas. Akala nila'y pareho lang ang dalawang ito sapagkat magkaiba talaga ang dalawang ito. Ating alamin kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng pantay at patas.

Ang salitang pantay, na equality sa Ingles, ay ang pagbibigay ng parehong dami ng anumang bagay. Halimbawa ng pagkapantaypantay o equality ay ang pagbigay ng tig dalawang pirasong tinapay sa mga bata ano man ang kanilang sitwasyon sa buhay. Mahirap man o mayaman, busog man o gutom na gutom, sila'y makakakuha ng parehong dami ng tinapay.

Ang salitang patas naman, na equity sa Ingles, ay ang pagbibigay sa mga taong mas nangangailangan ng higit pa sa isang bagay upang maging kapantay nila ang iba. Halimbawa ng pagkapatas o equity ay ang pagbigay ng dalawang pirasong tinapay sa mga batang may kaya, at pagbigay ng apat na pirasong tinapay naman sa mga batang minsan lang makakain.

#CarryOnLearning