ano ang panghalip na patanong?

Sagot :

Answer:

Ang panghalip na patanong ay mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugan itong "pantanong" at ito ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun. Ito ang mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa. May isahan at maramihan ang panghalip na pananong. 

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/554044

https://brainly.ph/question/797194

Mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan at maramihan:

  • Isahan: ano, sino, nino, alin, magkano at kanino.  
  • Maramihan: anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-alin, magka-magkano, kani-kanino. 

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/2266867

Halimbawa sa isahan:

  1. Ano ang bibilhin mo?  
  2. Sino ang kasama mo?  
  3. Bibisitahin nino ang mga bata sa ampunan?  
  4. Magkano ang bili sa bago mong PSP?  
  5. Kanino mo hiniram ang aklat na iyan? 

Halimbawa sa maramihan:

  1. Anu-ano ang pinamili mo sa palengke?  
  2. Sinu-sino ang kasama mo sa pamamasyal?  
  3. Pupuntahan ninu-nino ang mag-aaral na may sakit? 
  4. Alin-alin ang dapat ipunin?  
  5. Magka-magkano ang ibinigay niyang aguinaldo sa mga bata?  
  6. Kani-kanino ipinamigay ang mga relief goods?