Ano ang uri ng pamumuhay ng mga Indus Valley?



Sagot :

Ang kabihasnan sa Indus Valley ay umusbong sa lambak ng Indus River at Ganges River na matatagpuan sa Timog Asya. Mayroon silang tinatawag na kambal na lungsod – ang Harappa at Mohenjo-Daro.

 

Ang mga bahay dito ay parisukat ang hugis na dikit-dikit ngunit may malalawak na espasyo. Ang bawat bahay doon ay may kanya-kanyang palikuran kung kaya’t sila ang kauna-unahang gumamit ng Sewerage System.

 

Pottery o paggawa ng palayok at sculpting o pag-ukit sa bato ang pinagkakabalahan ng mga taong naninirahan dito.

 

Sila ay nagsasaka at nag-aalaga rin ng mga hayop tulad ng tupa at kambing na siyang pinagkukunan ng mga makakain nila.