kailan naisulat ang tanka at haiku











Sagot :

Ang tanka at haiku ay mga anyo ng tula na sumasalamin sa kultura at panitikan ng mga Hapon. Ang tanka ay unang naisulat noong ikawalong siglo at ang haiku naman ay unang naisulat noong ika-15 na siglo. Ang tanka at haiku ay parehong mga tula na nagpapahayag ng mga ideya gamit ang kaunting mga salita lamang.

Kailan Naisulat ang Tanka at Haiku

Ang tanka at haiku ay mga anyo ng tula na maitagal nang naisulat sa bansang Hapon. Narito ang mga sagot kung kailan sila unang naisulat:

  1. Tanka - ikawalong siglo
  2. Haiku - ika-15 na siglo

Tanka

  • Ang mga tanka ay karaniwang tungkol sa mga malalakas na damdamin, pagbabago at pag-ibig.
  • Ito ay may limang taludtod.
  • Ang tatlo sa mga taludtod nito ay may pitong pantig, at ang dalawa sa mga taludtod naman nito ay may limang pantig.
  • Sa kabuuan, ang tanka ay may 31 na pantig.

Haiku

  • Ang mga haiku naman ay karaniwang tungkol sa kalikasan.
  • Ito ay may tatlong taludtod lamang.
  • Ang mga taludtod nito ay karaniwang may 5-7-5 na sukat.
  • Sa kabuuan, ang haiku ay may 17 na pantig.

Iyan ang mga detalye kung kailan unang naisulat ang tanka at haiku. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Ano ang kahulugan ng tanka at haiku? https://brainly.ph/question/414957
  • Mga halimbawa ng haiku tungkol sa kalikasan (Wikang Ingles): https://brainly.ph/question/414817
  • Mga halimbawa ng haiku tungkol sa kalikasan (Wikang Filipino): https://brainly.ph/question/83766