Sagot :
Gampanin ng Pamilya
Sagot:
Mahahalagang gampanin ng pamilya:
Bilang pangunahing institusyon sa lipunan, ang Pamilya , ay gumaganap ng maraming mahahalagang gampanin upang ang isang indibidwal ay lumaki bilang isang mabuting mamamayan. Nagiging batayan rin ito na kung ano ang magiging kalalabasan ng mga susunod na panahon. Ang tao ay higit na natututo kapag ang mga nangangaral ay iyong malapit sa kaniya. Ang ilan sa mga gampaning ito ay:
- Mabiyan ang mga anak ng ligtas na tahanang masisilungan sa kahit anong panahon .
- Siguruhing may pagkaing mapagsasalu-saluhan sa araw-araw. At mapanatiling malusog ang mga pangangatawan ng bawat miyembro ng pamilya.
- Magbigay ng suporta sa isa’t-isa lalo sa mga panahon ng pagsubok at pagdidisisyon. ( hal. Mga suliraning kaakibat ng paglaki at pakikisalumuha sa iba, Pagkuha ng kursong pag-aaralan, pakikipagrelasyon at pag-aasawa)
- Paggabay/pagtuturo ng mga mabuting asal upang maging isang mabuting tao.
- Mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga anak upang mapaunlad ang sariling kakayahan at maging isang kapakipakinabang na miyembro ng lipunan.
- Naipapadama ang walang kapalit na pagmamahal sa isa’t-isa na makapagpapatibay ng personalidad ng bawat kasapi ng pamilya.
- Matutuhang makapagpahayag ng sariling opinyon at makinig at tumanggap din ng opinyon ng iba.
- Maipagtanggol sa karahasan at pang-aabuso ang bawat kasapi nito.
- Mabigyan ng panahong makapaglibang kasama ang bawat kasapi ng pamilya.
- Maipakilala ang pananampalatayang ispiritwal o pang-relihiyon sa bawat kasapi ng pamilya.
Paliwanag:
Isang imahe ng magandang komunidad ang Pamilya. Umiikot ang pag-unlad, dahil sa abwat taong nahulma sa isang magandang Pamilya, ay hindi lang higit na makakapag ambag sa lipunan kundi sila din ay magiging isang katinga-tingalang tao. At sa panahong sila’y liliwas sa ibang lugar, dalahin parin nila ang mga turo at mabuting pagkatao hanggang sa kanilang pagtanda.
Para sa karagdagang mga impormasyon i-click ang mga link sa ibaba:
Kahulugan ng pamilya?: https://brainly.ph/question/191092
Pagpapahalaga ng Pamilya: https://brainly.ph/question/937313
Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng pamilya?: https://brainly.ph/question/1625235