anu yung mga halimbawa ng pagpapalit saklaw o synecdoche 5 lng po


Sagot :

Answer:

Pagpapalit-saklaw o Synecdoche

Ang pagpapalit-saklaw o synecdoche ay isang uri ng tayutay. Ito ay tumutukoy sa pagbabanggit ng bahagi ng kabuuan. Ito ay maaaring nagrerepresenta ng isang kaisipan, tao o kumakatawan sa isang grupo.

Mga Halimbawa ng Pagpapalit-saklaw o Synecdoche

Narito ang limang halimbawa ng pagpapalit-saklaw o synecdoche sa pangungusap:

  • Ayaw ko ng makita ang iyong pagmumukha.

  • Nais na ng aking kasintahan na hingin ang aking kamay sa aking mga magulang.

  • Mamahalin kita hanggang sa malibing ang mga buto ko.

  • Maraming bibig ang umaasa sa kanya, kaya naman sobra siya kung magtrabaho.

  • Magsisikap ako hanggat matigas pa ang aking mga paa.

Para sa kahulugan at iba pang uri ng tayutay, basahin sa link:

https://brainly.ph/question/2512896

#BetterWithBrainly