Ang liham pangangalakay ay ginagamit sa mundo ng kalakalan na nagiging tulay ng mga mangangalak at mamimili. Isa sa mga uri nito ay ang liham ng pag-order o pagbili na naglalahad ng layunin na bumili ng mga produkto.
Narito ang isang halimbawa:
Agosto 13, 2017
Bb. Patricia Tubay
Tubay’s Hardware Store
511 Richwood Street, Marikina
Bb. Tubay:
Pagbati!
Mangyari lamang po na kami ay padalhan ninyo sa B5 L2 Kabayani Street, Marikina ng mga sumusunod na produkto:
2 galong pintura – turquoise
1 brush roller 6 inches
1 brush roller 12 inches
Kalakip ng sulat na ito ang paunang bayad na nagkakahalagang 500 pesos. Ang balanse ay ibibigay naming sa araw ng delivery.
Gumagalang,
Juan Santos