Ang mga kilalang kabihasnan o sibilisasyon ay namayagpag at umusbong sa tabi ng ilog at ilan sa mga kilalang kabihasnan noon ay ang Mesopotamia, Ehipto, Indus, at Huang He (Ilog Yang Tze). Ilan sa mga dahilan kung bakit umusbong ang mga sibilisasyong ito sa tabi ng ilog ay dahil sa pagkatuto nilang gamitin ang tubig sa ilog sa mga agrikultural at personal na pangangailangan. Hindi na nila kailangang maglagalag dahil ang pinagkukunan nila ng pagkain ay hindi na madaling maubos at nalalapit na lamang sa kanila. Dahil mas nagkaroon na sila ng maraming oras, nagkaroon sila ng pagkakataong magtayo ng iba’t ibang istrukturang pang-sibiko na siyang nagbunsod ng isang matibay na panlipunang istruktura at pagkakaorganisa.