Idineklarang open city ang Maynila noong Disyembre ng 1941 upang hindi na ito lubusang masira sa pambobomba ng mga mananakop na Hapon.
Dinedeklarang open city ang isang lugar o ang isang teritoryo kung ito ay nalalapit nang masakop ng isang puwersa. Nangangahulugan ito na ibinaba na at wala na ang kahit anong uri ng depensa o paglaban.