Sagot :
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga sa ating mga naninirahan dito. Kung malinis ang ating pagilid, magiging malusog at malayo sa sakit ang mga hayop at tao na nakikinabang sa mga likas na yaman ng bansa. Pinapanatili ng malinis na kapaligiran ang maaliwalas na pamumuhay ng bawat mamamayan.
MGA PARAAN SA PANGANGALAGA NG KAPALIGIRAN
- Piliin ang mga punong puputulin. Siguraduhing ang punong pinuputol ay matanda na upang gamitin. Hindi porke’t ikaw ang nagtanim ay malaya ka ng pumutol ng alinman sa mga ito. Ang mga batang puno ay palakihin muna bago putulin upang maging mas kapaki-pakinabang. Huwag din kaligtaang palitan ang mga punong pinutol. Ang DENR ay may batas sa tamang pagpili at pagputol ng mga puno.
- Pagtatanim ng mga halaman at puno. Hindi maiiwasang kinakailangan talaga natin ang mamutol ng mga puno o manguha ng mga halamang tumutubo sa mga lugar o lupain na ating gagamitin. Upang hindi maubos ang mga punong pinuputol, kailangan nating palitan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanim muli. Ang mga tanim ay nakatutulong sa atin upang magkaroon ng sariwang hangin at ang mga ugat ng puno ay tumutulong sa pagsipsip ng mga tubig tuwing nakaamba ang baha. Pinuprotektahan din ng malalagong dahon ng mga halaman at puno ang ating mga bahay sa malakas na hagupit ng hangin.
- Pag segregate o paghihiwa-hiwalay ng mga basurang itatapon. Ang mga basura ay kailangang paghiwa-hiwalayin bago itapon upang ang mga mabubulok ay pwedeng gamiting pataba sa mga halaman. Kapag ang isang tapunan ay puro mabubulok, ang lupa ay magiging mataba at makakatulong ito upang ang mga tanim ay magiging malusog. Ang mga hindi nabubulok naman ay pwedeng irecycle, gawing plastik muli ng mga pabrika samantalang ang mga delikadong basura ay kailangang itapon sa ligtas na lugar upang hindi makapaminsala.
- Maglinis ng kapaligiran. Sa simpleng pagpulot ng basura sa daan, nakakatulong ka na upang maging maginhawa o maging presko ang hanging nalalanghap ng mga tao. Maganda ring tingnan ang kapaligirang malinis mula sa mga plastik. Isa rin itong tulong para sa ligtas na daan at paligid. Nailalayo rin ang mamamayan sa malinis na kapaligiran.
- Huwag itapon ang basura kahit saan. Kung maaari, iligpit sa bag ang basura gaya ng balat ng kendi at tsitsirya kung walang makitang basurahan. Itapon ito sa tamang tapunan kapag nakahanap na ng pagkakataon. Ang basurang pakalat kalat ay maaaring liparin ng hangin at bumara sa mga kanal na makapagdudulot ng baha dahil natakpan na ang mga imburnal at napuno na ang mga kanal.
ILAN SA MGA BATAS TUNGKOL SA PANGANGALAGA SA KALIKASAN
- Republic Act 7586 o kilala bilang National Integrated Protected Areas- pinuprotektahan nito ang mga likas na yaman lalo na ang mga halamang tumutubo sa partikular na mga rehiyon na hindi itinanim ng tao.
- Republic Act 7942 o kilala bilang Philippine Mining Act of 1995. Sakop ng batas na ito ang tamang paggamit at pangangalaga sa mga mineral ng Plipinas.
- Republic Act 9003 o The Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay tungkol sa tamang pagtatapon ng basura gaya ng paghiwa-hiwalay sa mga uri nito at pagsasama-sama sa mga basurang may pare-parehong uri.
- Republic Act 8749 o Clean Air Act ay nangangalaga sa malinis na hangin ng bansa. Ang mga sasakyang nagbubuga ng usok ay pinupuna at pinapahinto sa paggamit ng gasolinang nakakausok ng tambutso.
para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:
https://brainly.ph/question/1635734
https://brainly.ph/question/439845
#LetsLearnBrainly