Solusyon sa Global Warming at Deforestation?


Sagot :

Ang global warming o ang pag-init ng planetang Lupa ay dahil sa matinding carbon dioxide na nasa ating atmospera.  Kaya ang solusyon ay bawasan sana ang carbon dioxide na ibinubuga ng mga malalaking factory, mga sasakyan at mga usok dulot ng pagsusunog at pagsisiga sa ating mga bakuran o sunog sa kagubatan.  Pero tandaan na ang carbon dioxide ay isa sa mga hanging kailangan ng mga puno para mabuhay.  Sa madaling salita, pagkain ng mga puno ang carbon dioxide.  Ang problema, sa paglipas ng mga panahon, lumalaki ang populasyon, at pinuputol ang mga punongkahoy.  Sa katunayan, nababawasan imbes na madagdagan ang mga punongkahoy sa ating kapaligiran sa bawat taon.  Kaya ano ang kailangan?  

Magtanim ng magtanim ng punongkahoy.  Iyan ang simpleng solusyon diyan.  Pero madaling sabihin ito, mahirap gawin dahil mismong mga namamahala ay tiwali at sakim.  Kaya kung uugatin talaga natin kung ano ang solusyon sa global warming at deforestation, ito dapat: palitan ang pamahalaan ng tao, at huwag paluboin ang bilang ng populasyon sa daigdig.