Ano ang Panahong Neolitiko?


Sagot :

Ang Panahong Neolitiko - dakong 10,000 - 4000 BCE

Ang Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato o sa Ingles ay (New Stone Age) ay ang huling bahagi ng Panahong Bato. Ang Panahong Neolitiko ay hango sa salitang Greek na “neos” o ibig sabihin ay "bago o new" at sa salitang “lithos” na ang ibig sabihin ay "bato o stone."

Kilala ang panahong ito nang dahil sa paggamit ng mga makikinis na kasangkapang bato, pagtatanim, paggawa ng palayok at alahas.

Sa panahong nito naganap ang Rebolusyong Neolitiko o ang sistematikong pagtatanim. Ang Rebolusyong Neolitiko ay ang sistematikong pagtatanim o isa itong rebolusyong agrikultural para matustusan na ang kanilang pangangailangan pagdating sa pagkain. Kaya dahil sa kanilang agrikultural naging permanente na ang kanilang paninirahan, kasi kung umalis sila sa kanilang lugar, wala ng mag-aalaga sa kanilang pananim

  • Catal Huyuk - isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng bansang Turkey ngayon. Sila ay ang pamayanang sakahan, bale kalimitan sa mga mamamayan rito ay nagtatanim o farmers.

Sinasabing ang kanilang populasyon ay umabot sa 3000-6000 katao. Ang kanilang kabahayan nila ay magkakadikit ang mga ding-ding at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan.

Alam mo ba? Na ang kanilang yumao ay ililibing mismo sa loob ng kanilang bahay.

Sila ay marunong sa paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo. At marunong rin sila sa paghahabi.

Nagbigay ako ng sample na larawan sa mga alahas na ginawa ng mga Catal Huyuk at ang kanilang mga libing na nasa mismong bahay nila na nakabaon.

For more info:

Narito ang mga ipormasyon sa Panahong Paleolitiko:

https://brainly.ph/question/1798865

#AnswerForTrees

#BrainlyLearnAtHome

View image Аноним
View image Аноним