Sagot :
Answer:
Isip, ano ang kahulugan nito?
Ang ibig sabihin ng isip ay ang pag-gana o paggamit ng utak. Nagpapakita ito ng abilidad ng bumuo ng desisyon ayon sa pangangailangan ng sitwasyon.
Explanation:
Nagkakaroon ito ng bahagyang pagkakaiba dahil sa kung paano ginagamit sa pangungusap.
Halimbawa ng mga pangungusap na ginamitan ng salitang isip:
- May isip din ang mga hayop.
- Malaki na ang anak mo, may isip na yan.
- Ano ka ba? Gamitin mo naman ang isip mo!
- Bago ka tumuloy, isipin mo muna kung talagang gusto mo ang negosyo na yan.
Makikita sa mga halimbawa ang ibat ibang kalagayan ng nilalang na naglalaman ng kaisipan.
Nagpapakita ng tiwala sa naturang hayop ang kakayahang makapag desisyon ayon sa kagustuhan. Gayon din ang ipinapahayag ng ikalawang halimbawa, kung saan nagbigay ng paalala ang kausap na hindi na bata ang anak ng magulang.
Sa ikatlong halimbawa naman ay, kita ang galit ng nagsasalita sa kakulangan o maling pagpapasya ng kausap. Sinabi ang salitang isip na tila hindi ito ginagamit ng tama ng kinakausap.
Nagpapaalala naman ang nasa huling halimbawa na pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon.
Ang tamang pag-iisip ay mahalaga sa buhay:
- Dahil ang buhay ay puno ng problem
- Ang buhay ay puno ng pagdedesisyon
- Isip ang kailangan upang makapag-navigate sa buhay
- Ang lahat ay nakasalalay sa tamang kaisipan
Kaya’t maaaring ihambing ang makina ng sasakyan sa utak ng tao kung saan ang pag-andar ng makina ay katumbas ng pag-iisip ng tao.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Ano ang kahulugan ng mga salita? https://brainly.ph/question/2117469
Gerero, ano ang kahulugan nito? https://brainly.ph/question/514644
Ano ang ibig sabihin ng sumusulpot? https://brainly.ph/question/1298946