Kahulugan ng salitang Disyerto (ALAM KO SYA PERO GUSTO KO EKSAKTO)

Sagot :

Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi karaniwang tinataniman.
Ito ay isang lugar na puno ng buhangin at maliliit na bato. Minsanan lang kung umulan sa lugar na ito at kadalasan itong matatagpuan sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng U.A.E (United Arab Emirates), at Africa. 

Trivia:
Ang pinakamalaking disyerto sa buong mundo ay ang Sahara Desert. Samantalang, Gobi Desert naman ang sa Asya.