Sagot :
Answer:
Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece?
Ang malaking bahagi ng Greece ay napapalibutan ng tubig.
Mga karagatang nakapalibot dito sa loob ng Mediterranean Sea:
- Aegean Sea
- Myrtoan Sea
- Ionian Sea
Explanation:
Maraming anyong tubig na matatagpuan sa paligid ng Greece, ito ay napapaligiran ng Aegean Sea sa silangang bahagi nito. Ang karagatan ay nasa baybayin din ng Turkey at Bulgaria. Sa timog silangan naman matatagpuan ang Myrtoan Sea na siya mong tatawirin kung nais pumunta sa isla ng Crete.
Ang Ionian Sea ay nasa kanlurang bahagi ng Greece kung saan katawiran nito ang Italy.
Mayroon rin mga gulpo na matatagpuan sa pagitan ng mga pulo (island) o tangway (peninsula) nito.
Mga gulpo sa loob ng Greece:
- North Euboean Gulf
- South Euboean Gulf
- Gulf of Corinth
- Saronic Gulf
- Thermaic Gulf
Mga karagatan at lawa na pag-aari ng ibang nasyon ngunit malapit sa Greece:
- Adriatic Sea
- Sea of Marmara
- Black Sea
- Lake Prespa
- Lake Ohrid
Mayroon mga anyong tubig na wala sa teritoryo ng Greece na madaling puntahan ng mga Griyego kung nanaisin. Ang Adriatic Sea ay isa dito, nasa pagitan ng Italy, Croatia at Albania, hindi nakakapagtaka na ang mga sasakyang pandagat na mula kanlurang Greece ay nakakarating dito upang mamasyal, o mangalakal. Ang Sea of Marmara ay karagatan sa pagitan ng Istanbul at Bursa sa hilagang Turkey. Ang Black Sea ay isang kulong (landlocked) na anyong tubig sa baybayin ng kanlurang Turkey at timog na bahagi ng Ukraine.
Ang mga lawa ng Prespa at Ohrid ay nasa lupain ng North Macedonia at Albania at malapit lang sa hilagang bahagi ng Greece.
I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:
Mga bansa sa paligid ng Mediterranean https://brainly.ph/question/556905
Mga sanaysay mula Greece https://brainly.ph/question/150529
Dahilan ng pagyaman ng Crete https://brainly.ph/question/239985