ANU IBIG IPAHIWATIG NG TEMA NG BUWAN NG AGOSTO 2014?

Sagot :

pagkakaisa ng wika ay parang pag kakaisa ng bawat bansa na nangangahulugan din naman ng pagtutulungan sa oras ng sakuna o kalamidad nag papakita rin ito ng kung walang pagkakaisa walang kabutihan ang maiidulot marahil sa buong mundo kung may isang bansa ang makasarili walang maiidulot na kabutihan para sa mundong aing tinitirahan
"Buwan ng Wika" ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang "Filipino" pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba't-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.