Ang bawat kabihasnan sa mundo kabilang ang nasa Asya ay nabuo sa pamamagitan ng limang elemento. Una ay ang pagkakaroon ng kahit na anong pamahalaan. Pangalawa ay ang pagkakaroon ng ibat-ibang estado ng mga mamamayan base sa yaman o uri ng trabaho. Pangatlo ay pagkakaroon ng organisadong relihiyon or sistema ng paniniwala. Pagkakaroon ng ano mang uri ng arkitektura o sining ang ika-apat. At ang panlima ay ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat.