Sagot :
Answer:
Ang sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang mabisa at matatag na pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sapamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal,pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili.
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/209065
Katangian ng sibilisasyon
- pulitika
- relihiyon
- teritoryo
- kalusugan
- kagamitan
- imprastaktura
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/54446
Epekto ng Sibilisasyon
- Ang kumplikadong anyo ng pamahalaan ay nabuo
- Ang mga sining ay nagiging mas detalyado
- Ang pagiging dalubhasa sa trabaho ay humahantong sa mga social class
- Natuto ang mga tao sa pagsulat
- Nalupig ang mga kalapit na mga lupain
Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/220271