Sagot :
Kahalagahan ng Karapatang Pantao
• Ang karapatang pantao ay bahagi na ng pagiging tao. Ang karapayang pantao ay kahit hindi na kinakailangan kilalanin ng pamahalaan o ng batas.
• Mahalagang mulat tayo sa karapatang pantao upang tamasahin natin ito. Ang pag-agaw at pagkait ay paglabag din rito. Maaari itong idulog sa kinauukulan.
• Ang karapatang pantao ay nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba.
• Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating buhay sa lipunan.
- Upang mabuhay ang tao ng masaya at malaya
- Maiwasan ang diskriminasyon
- Upang maging malaya silang pumili ng relihiyon
- Upang maging malayang makapagpahayag at mag-isip.
- Upang mayroong patas na paglilitis at due process ng batas.
- Upang iligtas ang mga tao sa pang-aabuso, kalupitan at pang aalipin.
Dalawang uri ng karapatang pantao
1. Indibidwal o personal
2. Panggrupo o kolektibo
Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao ang Pandaigdigang Deklatasyon ng karapatang pantao.
1987 Saligang Batas ng Pilipinas (1987 Philippine Constitution) Artikulo III: Karapatang Pantao
Mapananatili ng isang pamayanan at bansang kumikilala sa karapatang pantao ang pagtugon sa responsibilidad sa pamamagitan ng sumusunod:
1. Pagkakaroon ng symposia at seminar,
2.Paggamit ng media,
3. Integrasyon ng paksang Karapatang Pantao sa mga module, at
4. Pagbibigay-pansin at parangal sa mga indibidwal at NGO/Foundations na may malaking ambag sa pagpapalawig ng kaalaman sa karapatang pantao.**
Kahulugan ng karapatang pantao
brainly.ph/question/204927
brainly.ph/question/1890589
brainly.ph/question/645038