Saan matatagpuan ang Bagumbayan

Sagot :

Ang Bagumbayan o mas kilala ngayon sa tawag na Luneta ay matatagpuan sa may Roxas Boulevard. Ito ay katabi ng Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita. Isa ito sa mga tourist attraction sa lungsod ng Maynila. Pinupuntahan din ito ng mga taong gustong maglibang lalo na tuwing araw ng Linggo at kapag may mga espesyal na okasyon.

Bagumbayan bilang makasaysayang lugar

  • Pinatay si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896 sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
  • Isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila ang bumaril kay Rizal. Samantalang may isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway.
  • Ayaw ni Rizal na barilin  siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, ngunit hindi pinayagan ang  kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng  eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang  kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw  sa umagang iyon ng Disyembre, kagaya ng isang kagalang-galang na tao na  dapat na pagkilala sa kanya.
  • Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesu Cristo: "Consummatum est"—natapos na.
  • Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng Espanya.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:

Noong nakaraang araw may 121 turista ang namasyal sa Luneta sa umaga. Nang hapon ay nadagdagan ng 8. Ilang turista ang namasyal sa Luneta noong nakaraang araw?:https://brainly.ph/question/115402

#LetsStudy