mam ano po ang self awareness paki paliwanag nga po in tagalog salamat .

Sagot :

SELF-AWARENESS

Ang self-awareness ay ang pagkakakilala mo sa iyong sarili gaya ng kung ano ang nakakapagpasaya sa iyo, nakakapagpalungkot at kung ano ang nakakapagpapagalit. Self-awareness din ang tawag kapag alam mo ang iyong nararamdaman, kakayahan at kahinaan. Importante ang self awareness sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nito sa pang-araw araw mong pakikihalubilo sa mga tao sa loob at labas ng bahay. Kapag may self-awareness ka, madali mong mapagtagumpayan ang anumang mithiin sa buhay. Madali mo ring malalampasan ang mga dagok kapag mayroon kang self-awareness.

KAHALAGAHAN NG SELF-AWARENESS

  • Kapag sasali ka sa isang paligsahan, parang nakikinikita mo na ang susunod na mangyayari. Alam mong mananalo ka sa unang tingin pa lang sa performance ng mga kalaban sapagkat kilala mo ang iyong sarili kung kaya mo ba silang talunin o hindi.
  • Kapag may self-awareness ka, alam mo kung papayag ka bang sumabak sa isang public speaking o hindi. Kung alam mong hindi mo kayang talunin ang stage fright mo, aayaw ka sa alok subalit kung wala kang self-awareness, papayag ka tapos pagdating doon nanginginig ka at hindi makapagsalita, ikaw rin ang mapapahiya. Nangyayari ito kapag wala kang self-awareness.
  • Kagaya ng mga bata, wala pa silang self-awareness, hindi nila alam na malulunod sila kapag sila ay lumusong sa malalim na bahagi ng swimming pool kaya sila ay napapahamak.  
  • Kung may self-awareness ka at alam mong masama ang boses mo sa pagkanta, hindi ka sasali sa paligsahan sa pag-awit dahil mapapahiya ka lang.
  • Sa pag-ibig, alam mong may nobyo/nobya na ang iyong crush at alam mong hindi mo maawat ang iyong sarili kapag malapit kayo sa isa’t isa kaya umiwas ka na lang. ‘Yan ay isang tulong ng self-awareness.

Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:

https://brainly.ph/question/215062

https://brainly.ph/question/2368204

https://brainly.ph/question/856269

#LetsStudy