paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura mg iyong lugar na kinalakhan?

Sagot :

paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala o kultura ng iyong lugar na kinalakhan?

  • Marami sa mga tao ang nababalewala na ang mga tradisyon, paniniwala at kultura sa lugar na kanilang kinalakihan sapagkat sila ay nakapagtapos na ng pag-aaral, dahil sila ay mayroon ng magandang trabaho at ayaw nilang Makita na sila ay nagmula sa ganung klaseng pamumuhay noon. Ito ang napakalungkot sapagkat kung hindi ito mapapanatili ay lubusan na itong mababaon sa limot.

Ano nga ba ang dapat kung gawin upang aking maipakita ang pagpapahalaga sa tradisyon, paniniwala at kultura?

1. Hindi ko ito ikakahiya sa halip ay akin pa itong ipagmamalaki

• Halimbawa: Tradisyon dito sa aming lugar na dapat ay kumpleto ang pamilya sa mga mahahalagang mga araw. Dapat ay ipagmalaki ko pa ito sa iba.

• Naniniwala ang aking mga ninuno na dapat huwag magpaulan kapag bagong galling sa sakit o kung ano-ano pa. Ito pa din ay aking gagawin kahit na alam ko na may makabagong siyensiya na sa mga hospitals. Walang masama sa pagsunod sapagkat ito ay base sa mga nagdaang karanasan ng mga matatanda.

2. Tatangkilikin ko pa din ito at ituturo sa mga makabahong henerasyon na kabataan sa kasalukuyan.

• Dapat ay patuloy pa ding gawin ng kung ano ang nakagisnan natin kahit ano pa ang ating narating sa ating buhay dahil dito tayo lumaki at naging ganap na tao.

3. Mamahalin at rerespetuhin ko pa din ang mga ito

• Kahit ano pa man ang aking naabot sa buhay, ipagmamalaki, rerespetuhin at mamahalin ko pa din ito.

Related links:

Ano Ang kultura ? kahulugan ng kuktura

brainly.ph/question/2218069

Kaibahan ng tradisyon at kultura

brainly.ph/question/682985

brainly.ph/question/163830

#LEARNWITHBRAINLY