Nang dahil sa iyo, ako'y pinanganak
Inakay at binigyan ng mga patnubay
Nag-iisa ang aking ina, siya lamang
Pag-aaruga mo ay walang katulad
Gustuhin ko mang lumisan at lumayo,
Pag-ibig mo'y di-matatamo saanman
Kilala kita, mas kilala mo ako
Kailangan mo ako, mas kailangan kita
Salamat ina! Ako'y malaki na nga
Ang dating sanggol, ngayo'y naglalakad na
Hindi na inaakay, ni binubuhat
Ngunit tamis ng yakap mo'y hinahanap
Ina, pagpapalaki mo'y tagumpay nga
Ako'y napabuti at naliwanagan
Tunay akong nagpapasalamat ina
Nang dahil sa iyo'y kalinga'y nadama
Ang tula na ito ay dinisenyo na may 12 pantig o syllables. Ano ba ang isang tula? Basahin sa https://brainly.ph/question/410057. Bagaman makalumang paraan ito ng komunikasyon, marami pa din sa ngayon ang nahahalinang gamitin ang pagtula ito man ay sa pribado o sa publiko, ito man ay sa panulat o bibigang pagbigkas.
Ano ang pagkakaiba ng tradisyunal at malayang tula? Basahin sa https://brainly.ph/question/1201996.
Iba pang popular na tula: https://brainly.ph/question/386136. Alamin kung ito ay tradisyunal o malayang tula.