halimbawa ng idyoma at mga pangungusap

Sagot :

Halimbawa ng Idyoma at Mga Pangungusap

  • Bukas ang palad ng kanilang pamilya sa mga mahihirap kaya sila ay lalong pinagpapala.

  • Napag-usapan namin na ibaon sa hukay ang mga masamang nangyari at magsimula muli.

  • Usad-pagong ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa pandemya.

  • Bakit amoy-tsiko ka na naman?

  • Iwasan mo na ang mga taong iyon na ang hanap ay basag-ulo.

Kahulugan ng Idyoma

Ang idyoma ay kilala din sa tawag na sawikain. Ito ay tumutukoy sa salita o parirala na patalinghaga. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi tuwirang pinapahayag. Nakatago ang ibig sabihin ng mga ito sa mga salitang ginamit. Kadalasang ginagamit ang mga ito upang mabigyang-diin ang nais ipahayag sa pangungusap.

Bumalik tayo sa mga pangungusap sa itaas. Ang mga salita o parirala na nakasulat nang pahilis ang mga halimbawa ng idyoma. Narito ang kanilang kahulugan:

  • bukas ang palad - matulungin
  • ibaon sa hukay - kalimutan
  • usad-pagong - mabagal
  • amoy-tsiko - lasing
  • basag-ulo - away

Mga Halimbawa ng Idyoma

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, narito pa ang ilang halimbawa ng idyoma at kanilang kahulugan:

  • balitang kutsero - di totoong balita
  • bukas na kaban - mapagkawanggawa
  • bulang-gugo - galante
  • di makabasag pinggan - mahinhin
  • galit sa pera - gastador
  • itaga sa bato - tandaan
  • kapit tuko - mahigpit ang hawak
  • kumukulo ang dugo - naiinis
  • laylay ang balikat - bigong-bigo
  • lahing kuwago - sa umaga natutulog
  • lumagay sa tahimik - nagpakasal

Karagdagang halimbawa ng idyoma at mga pangungusap:

https://brainly.ph/question/2760393

#LearnWithBrainly