Ang Unang Republika ng Pilipinas, o mas kilala bilang Republika ng Malolos ay ang kauna-unahang republika na itinayo sa Pilipinas kung saan si Emilio Aguinaldo ang Presidente. Ito ay ginanap sa Simbahan ng Malolos, Malolos, Bulacan. Sa Republikang ito, dito unang isinagawa ang unang Konstitusyon ng Pilipinas: ang Konstitusyon ng Malolos.