pambalana at pantangi ng tao bagay lugar at pangyayari.?

Sagot :

Ang 'Pangngalang pambalana' ay mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.

Ang 'Pangngalang pantangi' naman ay mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

HALIMBAWA:

PAMBALANA - PANTANGI
1. bayani - Jose Rizal
2. lungsod - Pasig
3. telepono - Globe
4. presidente - Rodrigo Duterte
5. pagdiriwang - Pasko