Sagot :
Answer:
Si Gat Andres Bonifacio y de Castro ay nabuhay mula noong 20 Nobyembre 1863 hanggang 10 Mayo 1897. Ipinanganak sya sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Itinuturing syang isang bayani, Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Siya ang binansagang “Ama ng Katipunan” na kung saan siya ay isa sa mga nagtatag. Isa siya sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang siyang nararapat na Pilipinong bansa.
Explanation:
Ilan sa kanyang mga nagawa o kontribusyon para sa Pilipino at sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
- Itinatag ni Andres Bonifacio, kasama ang iba pang mga Pilipino ang Katipunan o kung tawagin nila ay KKK (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) na kung saan kalaunay siya ang naging Supremo. Ito ay isang lihim na samahan na ang layunin ay kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
- Pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio ang pagpunit ng mga sedula sa Kalookan at ito ay tinawag na “Sigaw ng Pugad Lawin” Ang kaganapang to ay naging hudyat ng pagsimula ng pagaaklas sa Espanya. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng isang malawakang himagsikan sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsunod sa kabiserang Maynila noong 29 Agosto.
- Kasama ang isa pang bayani na si Emilio Jacinto, pinasimulan ni Gat Andres Bonifacio ang pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan na syang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Bagawang sakupin ng grupo ni Andres Bonifacio ang El Polvorin sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga armado at bihasang kawal ng Espanyol.
- Siya ay isa din sa mga unang kaanib ng “La Liga Filipina” na itinatag ni Jose Rizalnoong 3 Hulyo 1982. Ito ay may layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino upang makapagsimula ng isang reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo ng bansa.
Bagaman isang bayaning maituturing dahil sa kanyang mga kontribusyon at gawa para sa inang bayang Pilipinas, ang pagkakakilanlan at kasaysayan ni Andres Bonifacio ay sinalubong din ng kontobersiya. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Ang kanyang pagkamatay ay isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan. Ito raw ay itinuturing na isang legal na pagpaslang. Sinangayunan at pinaboran ang kanyang pagkakapaslang ni Pangulong Emilio Aguinaldo gayundin ng kanyang mga tagapagpayo upang mapanatili ang pagkakaisa ng pmahalaan.
- Si Andres Bonifacio ay ang Unang Pangulo ng Pilipinas. Ayon sa ilang dalubhasa sa pananaliksik ng kasaysayan, si Gat Andres Bonifacio ay ang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas sapagkat siya ay ang Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan. Ang batayang ito ang nagbibigay ng katarungan na siya ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan at ito ay naganap bago pa naitatag ang pamahalaang pinamumunuan ni Aguinaldo.
- Bonifacio, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang itinuturing na pambansang bayani ay si Gat Jose Rizal. May mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabi na ang kasalukuyang pambansang bayani na si Rizal ay isang bayaning itinaguyo ng Estados Unidos. Ito ay nangyari matapos nilang matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Hindi katulad ni Andres Bonifacio at iba pang pambansang bayani ng ibang bansa, na naging panimula ng himagsikan, napili si Rizal dahil sa kanyang mapayapang pamamaraan. Ito ay upang maiwasan ang maaaring pumukaw sa ideya ng mga Pilipino upang lumaban sa pamumunong Amerikano.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio, basahin ang sumusunod na link:
Talambuhay ni Andres Bonifacio: https://brainly.ph/question/86701
Paano nagging isang bayani si Andres Bonifacio: https://brainly.ph/question/693560
Sino si Supremo Andres Bonifacio: https://brainly.ph/question/1746723
Answer:
Explanation:
Si Gat Andres Bonifacio y de Castro ay nabuhay mula noong 20 Nobyembre 1863 hanggang 10 Mayo 1897. Ipinanganak sya sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Itinuturing syang isang bayani, Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Siya ang binansagang “Ama ng Katipunan” na kung saan siya ay isa sa mga nagtatag. Isa siya sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang siyang nararapat na Pilipinong bansa.
Explanation:
Ilan sa kanyang mga nagawa o kontribusyon para sa Pilipino at sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
Itinatag ni Andres Bonifacio, kasama ang iba pang mga Pilipino ang Katipunan o kung tawagin nila ay KKK (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) na kung saan kalaunay siya ang naging Supremo. Ito ay isang lihim na samahan na ang layunin ay kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
Pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio ang pagpunit ng mga sedula sa Kalookan at ito ay tinawag na “Sigaw ng Pugad Lawin” Ang kaganapang to ay naging hudyat ng pagsimula ng pagaaklas sa Espanya. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng isang malawakang himagsikan sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsunod sa kabiserang Maynila noong 29 Agosto.
Kasama ang isa pang bayani na si Emilio Jacinto, pinasimulan ni Gat Andres Bonifacio ang pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan na syang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Bagawang sakupin ng grupo ni Andres Bonifacio ang El Polvorin sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga armado at bihasang kawal ng Espanyol.
Siya ay isa din sa mga unang kaanib ng “La Liga Filipina”na itinatag ni Jose Rizalnoong 3 Hulyo 1982. Ito ay may layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino upang makapagsimula ng isang reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo ng bansa.
Bagaman isang bayaning maituturing dahil sa kanyang mga kontribusyon at gawa para sa inang bayang Pilipinas, ang pagkakakilanlan at kasaysayan ni Andres Bonifacio ay sinalubong din ng kontobersiya. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Ang kanyang pagkamatay ay isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan. Ito raw ay itinuturing na isang legal na pagpaslang. Sinangayunan at pinaboran ang kanyang pagkakapaslang ni Pangulong Emilio Aguinaldo gayundin ng kanyang mga tagapagpayo upang mapanatili ang pagkakaisa ng pmahalaan.
Si Andres Bonifacio ay ang Unang Pangulo ng Pilipinas. Ayon sa ilang dalubhasa sa pananaliksik ng kasaysayan, si Gat Andres Bonifacio ay ang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas sapagkat siya ay ang Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan. Ang batayang ito ang nagbibigay ng katarungan na siya ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan at ito ay naganap bago pa naitatag ang pamahalaang pinamumunuan ni Aguinaldo.
Bonifacio, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang itinuturing na pambansang bayani ay si Gat Jose Rizal. May mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabi na ang kasalukuyang pambansang bayani na si Rizal ay isang bayaning itinaguyo ng Estados Unidos. Ito ay nangyari matapos nilang matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Hindi katulad ni Andres Bonifacio at iba pang pambansang bayani ng ibang bansa, na naging panimula ng himagsikan, napili si Rizal dahil sa kanyang mapayapang pamamaraan. Ito ay upang maiwasan ang maaaring pumukaw sa ideya ng mga Pilipino upang lumaban sa pamumunong Amerikano.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/41483#readmore