Sagot :
Weight:
Ang isang kilong bulak ay katumbas ng bigat ng isang kilong bato kaya walang mas mabigat sa dalawa.
Anumang bagay bato man o bulak, kung ang bigat ay magkapareho o ang kanilang timbang ay kapwa 1 kilo, walang mas mabigat sa dalawang ito. Sa kabila ng pagiging literal na mas mabigat ng bato kaysa sa bulak hindi pa rin masasabi na ang 1 kilo nito ay mas mabigat kaysa sa 1 kilong bulak sapagkat ang kanilang timbang ay kapwa 1 kilo. Walang iniwan ang halimbawang ito sa pagkukumpara ng bigat ng 1 kilo ng pako at 1 kilo ng tela. Kung susuriin, ang isang piraso ng pako ay hindi hamak na mas mabigat sa isang piraso ng tela ngunit kung pagpapantayin ang timbang ng dalawang bagay na ito sa kapwa 1 kilo, hindi maaaring sabihin na ang 1 kilo ng pako ay mas mabigat kaysa sa 1 kilo ng tela.
Paano Sinusukat ang Bigat o Timbang ng mga Bagay?
Ang bigat o timbang ay sinusukat sa pamamagitan ng timbangan. Kapag sa tao, mayroong tamang timbang bawat edad na kailangang sundin upang hindi maging malnourished at overweight o obese. Lubhang mahalaga na malaman ng tao ang kanyang timbang upang matiyak ang kanyang kalusugan.
Keywords: bigat, timbang
Kahalagahan ng Tamang Timbang o Bigat: https://brainly.ph/question/1902394
#LetsStudy